top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

COVID cases tumataas, mga korup bantay-salakay, tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 21, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 21, 2023


ANG MGA KONTRA SA EDCA, MGA ‘DI MAKABAYAN KUNDI MAKA-CHINA—Ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng puwersang militar ng Pilipinas at Amerika ay bilang paghahanda sa depensa ng ‘Pinas laban sa mga mapanakop na bansa tulad ng China na nakapasok sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).


Pero kahit pang-depensa lang ito ng Pilipinas, may ilan na tumututol at bumabatikos sa EDCA.


Walang duda na ang mga tumututol na ito ay hindi makabayan kundi pro-China. Mga buset!


◘◘◘


MGA KURAKOT, HAPPY SA PAGDAMI NG MGA TINATAMAAN NG COVID KASI MAKAKAPANGURAKOT NA NAMAN SILA—Kung may mga nalulungkot sa iniulat ng Department of Health (DOH) na pumalo sa higit 10,000 Pinoy ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, tiyak na may mga natutuwa rin.


Ang sinasabing natutuwa ay ang mga ‘buwaya’ sa pamahalaan. Kapag kasi dumami nang dumami ang tinamaan ng virus, baka magdeklara na naman ng lockdown ang pamahalaan. At kapag nagka-lockdown, may pagkakataon na naman ang mga kurakot na pulitiko na ibulsa ang ilalaang COVID-19 funds. Boom!


◘◘◘


WALA SANANG KURAKOT NA TALUNANG KANDIDATO ANG MABIGYAN NG PUWESTO SA GOBYERNO DAHIL BAKA BAWIIN LANG ANG NAGASTOS SA HALALAN—Halos tatlong linggo na lang ay mabibigyan na ng puwesto sa gobyerno ang mga talunang kandidato sa nakaraang 2022 National Elections.


Sana ay walang bahid ng korupsyon ang mga talunang kandidato na bibigyan ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ng puwesto sa pamahalaan pagsapit ng Mayo 9, 2023. Kapag kurakot ang nabigyan niya ng posisyon, baka pangungurakot lang ang gawin nito para mabawi ang nagastos niya sa nakaraang halalan. Period!


◘◘◘


BALIK-OPERASYON SA LAGUNA ANG RAKET NA STL-CON JUETENG AT LOTTENG NG 3 GAMBLING LORDS—Nagbalik daw ang operasyon ng raket na Small Town Lottery (STL)-con jueteng at lotteng ng mga gambling lords na sina ‘Ibora,’ ‘Alvarez’ at ‘Toce’ sa Laguna.


Hindi ba ito alam nina Gov. Ramil Hernandez at Police Director, Col. Randy Silvio?


Kung hindi nila alam, aba’y saan napupunta ang nakalaan sa kanilang intelligence at confidential funds, kasi nakakaraket na naman ang tatlong gambling lords na ito sa kanilang nasasakupan nang wala silang kaalam-alam. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page