top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

COVID-19 vaccine program, dapat bantay-sarado!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8, 2021
  • 1 min read

@Editorial | January 8, 2021



Bago pa maging available ang COVID-19 vaccine sa bansa, todo-paghahanda na ang gobyerno partikular ang mga nasa local government units (LGUs), mula sa budget hanggang sa mismong pamimigay ng bakuna.


May mga opisyal nang naglalabas ng impormasyon kung magkano ang pondong nakalaan para sa vaccine kontra COVID-19 at kung ilan ang magiging target ng pagbabakuna.


Kaugnay nito, inihihirit din ang pagkakaroon ng mas maayos na sistema at pagbabantay sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.


Kailangang masigurong may sapat na pondo pambili ng bakuna, handa ang cold storage capacity, manpower at training na kailangan ng mga kabilang sa programa.


Higit sa lahat, dahil bago ang gagamiting bakuna, kailangan talagang tutukan. Kung may kalituhan o hindi magandang pangyayari kaugnay sa programa, panatilihin ang pagiging kalmado, buksan ang isipan sa lahat ng posibilidad at solusyon.


Ang pinakamahalaga, tigilan na ang pamumulitika dahil ang nakasalalay dito ay kalusugan ng taumbayan at kinabukasan ng bansa.


Sikapin nating magkaisa upang maging maayos ang pagpapatupad ng mga programa laban sa COVID-19.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page