top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

COVID-19 vaccine ng BioNTech at Pfizer, dumaan na sa human trial

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 3, 2020




Nagkaroon ng positibong resulta ang BioNTech ng Germany at Pfizer, isang pharmaceutical sa US sa paggawa nito ng coronavirus vaccine.


Ayon kay BioNTech CEO Ugur Sahin, ito ay kinilala bilang BNT162b1. Ito ay nagbibigay ng antibody o mataas na level na makikita sa convalescent serum- dugo ng taong gumaling na sa virus- na may mababang dose.


Nakapaloob sa preliminary data ang phase 1/2 trial kung saan makikita na hindi toxic ang vaccine at hindi makasasama sa immune system para paghandaan sa paglaban sa virus.


Sa 45 katao na may edad 18-55 na sumailalim sa trial, karamihan ay nakatanggap ng 2 dose, 21 araw ang pagitan. Matapos ang pangalawang dose, nilagnat ang karamihan ayon sa study na uploaded sa pre-publication website medrxiv.org.


Ang vaccine ay nagre-rely sa messenger RNA, isang genetic code na dumadaloy sa human cells para ma-generate ang antibodies na kayang patayin ang coronavirus.


Sa ngayon, mayroon ng 23 COVID-19 vaccine projects ang sumasailalim sa trial sa tao, ayon sa London School og Hygiene & Tropical Medicine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page