COVID-19 vaccine candidates ayon sa WHO
- BULGAR

- Aug 8, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 8, 2020

Ayon sa senior official ng World Health Organization (WHO) na si Michael Ryan, mayroon
nang anim na COVID-19 vaccine candidates.
Tatlo sa mga COVID-19 vaccine candidates ang mula sa China. Kabilang dito ang Sinovac, at ang Wuhan Institute of Biological Products na Sinopharm. Pasok din ang gawa ng Beijing Institute of Biological Products na Sinopharm.
Ang tatlo pang COVID-19 vaccine candidates ay gawa ng University of Oxford, ang
AstraZeneca; ang Moderna/NIAID at ang BioNTech/Fosun Pharma/Pfizer.
Ayon sa WHO, sa phase-3 trial malalaman kung ang mga vaccine candidates na ito ay mabisa sa “protect large numbers of people over a prolonged period of time.”
Paglilinaw naman ni Ryan, “Phase-3 doesn’t mean nearly there. There is no guarantee that any of these six will give us the answer.”





Comments