COVID-19 test sa UK, on-the-spot ang resulta
- BULGAR

- Aug 4, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 4, 2020

Nagsagawa na ng milyun-milyong test ang British Government sa dalawang magkaibang coronavirus test na kayang makita hindi lang ang COVID-19 kundi pati na rin ang iba’t ibang karaniwang viruses sa panahon ng autumn, winter at spring, ayon sa Department of Health ng UK.
Nangyari ang testing sa mga ospital, care homes at lab sa buong UK. Ibinahagi naman ni Health Secretary Matt Hancock na ginagamit nila ang most innovative technologies na available para sa coronavirus. Milyun-milyong bagong rapid coronavirus test ang kayang magbigay ng on-the-spot result sa loob lamang ng 90 minuto na makakapagpigil sa paglaganap ng virus.
Ayon sa mga expert sa pandemic, makatutulong ito para ma-differentiate ang various flu-like illness na kumakalat sa panahon ng winter. Nakatutulong din ito para makita agad kung kailangan bang dumaan sa isolation ang pasyente at maibigay agad ang kinakailangang treatment.
Isa sa mga test na ito ay ang “Nudgebox” machine na gawa ng DnaNudge. Inaanalisa nito ang DNA sa nose swab at kayang malaman kung positive o negative ang resulta sa COVID-19 sa loob lamang ng 90 minuto.
Bukod pa rito, ang LamPORE test ay nagpoproseso ng swab at saliva sample para makita ang presensya ng COVID-19 sa loob lamang ng 60-90 minuto. Wala umanong nailalabas na buong detalye mula rito ngunit sinabi ng pamahalaan na ito ay may same sensitivity sa ginagamit na PCR swab test.
Sinasabi sa mga research na pinaka-epektibo ang contact tracing kung mabilis ang testing.





Comments