COVID-19, nasa hangin lang, nakakahawa na
- BULGAR

- Sep 21, 2020
- 2 min read
ni Thea Janica Teh | September 21, 2020

Inanunsiyo ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa kanilang website na maaaring kumalat ang COVID-19 sa respiratory droplet o small particles tulad ng aerosol na makukuha sa paghinga lamang ng tao.
Ayon sa pahayag, “Airborne viruses, including COVID-19, are among the most contagious and easily spread.”
Una nang naglabas ang CDC na maaaring kumalat ang COVID-19 sa respiratory droplet na lumalabas kapag bumabahing, umuubo o nagsasalita ang taong may virus. Ngunit, nagkaroon sila ng update nitong Biyernes at sinabing kahit sa simpleng paghinga lamang ng taong may virus ay maaari na itong makahawa.
Nahahawa ang isang tao kung na-inhale nito at umabot sa ilong, bibig, airways at lungs ang mga particles na mula sa infected na tao.
Dagdag pa ng CDC, ito umano ay isa nang ebidensiya na airborne ang COVID-19 at tumatagal ang virus sa hangin na maaaring makuha ng tao kahit may layo ito na 6 feet. Aniya, “In general, indoor environment without good ventilation increase this risk.”
Kaya naman naglabas muli ang CDC ng health measure para maprotektahan ang sarili sa virus. Ilan dito ay pagkakaroon ng social distancing na hindi bababa sa 6 feet, paghuhugas ng kamay, paglilinis ng katawan, pagdi-disinfect ng mga madalas hawakan at pagsusuot ng face mask.
Bukod pa rito, pinapayuhan din ng CDC na huwag nang lumabas ang mga taong may sakit at magsagawa na ng self-quarantine. Mainam din na gumamit ng air purifier upang mapatay ang airborne germs sa indoor places.
Ilang scientists na ang naniniwala na posible ang airborne transmission ng COVID-19. Naglabas na rin ang World Health Organization ng detalyadong report kung paano kumakalat ang virus at kasama na rin dito ang pagkalat sa hangin.





Comments