top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

COVID-19 health protocols, out na

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 24, 2023


Kasabay ng pagwakas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng COVID-19 public health emergency declaration sa bansa, inalis na rin ang lahat ng medical protocols sa COVID-19 sa Pilipinas.


Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan at iba pang settings tulad ng tinukoy sa Executive Order 7 ay ikinonsidera nang tinanggal mula sa technical standpoint.


Sa ilalim ng EO 7 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Oktubre noong nakaraang taon, ang paggamit ng face mask ay mandatory sa healthcare facilities, clinics, hospitals, laboratories, nursing homes, at dialysis clinic; medical transport vehicles, tulad ng ambulansya at paramedic rescue vehicles at pampublikong transportasyon sa land, air, at sea.


Isinaad ng Department of Health (DOH) sa Proclamation No. 297, na nag-alis ng COVID-19 public health emergency status ng Pilipinas, na ang Emergency Use Authorization (EUA) sa mga bakuna sa COVID-19 at pagbabayad ng mga hindi pa nababayaran para sa Health Emergency Allowance ay mananatiling may bisa at magkakaroon ng bisa ng isa pang taon.


Ang extension ay magbibigay-daan para sa pagkaubos ng natitirang mga supply ng bakuna.


Ang pagpapalabas ng Proclamation No. 297 ay nagwakas sa COVID-19 public health emergency sa Pilipinas makalipas ang mahigit 3 taon.


Kahit inalis na ang health protocols, magsuot pa rin tayo ng face mask para sa ating personal na proteksyon mula sa iba pang mga sakit.


Hindi tayo nakasisiguro kung talagang ligtas na ang ating kapaligiran kaya huwag tayong magpakampante.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page