top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Courier service, dapat itsek ang lahat ng packages bago ideliver

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 7, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | Pebrero 7, 2023


Nakakabahala ang lumabas na report na may mga padala o nagpadadala sa mga courier services na naglalaman ng mga ilegal na droga.


Kamakailan, nakakumpiska ng “kush” o matataas na uri ng marijuana ang pulisya sa ilang mga packages matapos nilang madiskubre na kontrabando ang laman nito na ipinadala sa isang sangay ng kilalang courier service sa Caloocan City.


Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, tukoy na nila ang nagpadala at tatanggap ng mga packages na may lamang daan-daang gramo ng high grade marijuana, ilang gramo ng kush at mga vials ng marijuana oil na aabot sa halagang P266,000 habang tinutugis na ang mga ito ng kapulisan.


Sa kanilang imbestigasyon, natuklasan ng kawani ng isang sangay ng JRS Express sa Samson Road, Bgy. 72 ang kahina-hinalang paketeng ipinadadala sa kanila sa Tagum City sa Davao De Norte kung saan nakalagay ang pangalan ng tatanggap nito.


Nang inspeksyunin na ang mga pakete, tumambad sa kanya ang ilegal na droga at agad na humingi ng tulong sa pulisya ang pamunuan ng JRS Express habang rumesponde ang mga tauhan ng Grace Park Police Sub-Station 3 para tugisin ang nagpadala nito pero hindi na nila ito inabutan.


Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga nasabing kontrabando.


Namamayagpag na naman ang kalakaran ng illegal drug trade sa bansa. Pati ang mga courier services ay ginagamit ng mga ito maisagawa lang ang kanilang mga ilegal na transaksyon.


Gagawin ang lahat ng diskarte basta maipasok ang masamang gawain. ‘Ika nga, para-paraan lang ‘yan.


Mabuti at mahusay ang pag-iinspeksyon ng mga courier services sa mga packages na kanilang natatanggap at ipinadadala, kaya huli agad anuman ang nilalaman ng mga ito.


Sa kinauukulan, umaasa ang taumbayan na patuloy ang ginagawa n’yong pag-alalay at mabilis na pagresponde, umaga man o gabi na hingin ang inyong tulong.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.co

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page