top of page

Second baby nila ni Chito… Neri Naig, buntis na uli

  • BULGAR
  • May 10, 2021
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 10, 2021



Ini-reveal ni Neri Naig at ng mister niyang si Chito Miranda noong Mother’s Day na buntis ang dating aktres sa pangalawang anak nila.


Nag-post si Neri sa kanyang Instagram account ng picture na kuha sa isang beach kung saan makikita ang kanyang baby bump.


Aniya, “Happy Mother’s Day. See you soon, our bunso.”


Sa photo naman na ipinost ni Chito sa kanyang IG account, ginaya niya ang pose ni Neri at aniya, “Happy Mother’s Day!!! Busog lang ako. Si Neri, magiging mommy na ulit.


“…And again, walang tulugan!!! Pero sa totoo, excited na excited na ako.”


Samantala, noong December 2014 ikinasal sina Neri at Chito at nu’ng 2016 ipinanganak ang panganay nilang si Miggy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page