top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

National Artist Nora Aunor, may pahayag sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2024
2 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 5, 2024




Hindi nakalimutang magbigay ng pahayag ng National Artist na si Nora Aunor sa biglaang pagpanaw ni Ms. Jaclyn Jose.


Panimula ni Nora, "Kasama po ako ng buong industriya na nagluluksa sa pagpanaw ni Ms. Jaclyn Jose, isang premyadong aktres at kaibigang maituturing ng marami sa atin. Ang kanyang buhay at ang maraming pelikula at programa sa telebisyon na ating tinangkilik ay mga mabubuting ala-alang maaari nating isipin sa mga sandaling itong lugmok ang ating mga puso sa kanyang pagkawala. Taus-puso po akong nakikiramay sa kaniyang mga naulila at sa mga kasamahan nating lubos na rin napamahal sa kaniya at itinuturing siyang isang malaking kawalan sa industriya. "


Saad pa ni Nora, "Hindi ko rin po makakalimutan ang mga pelikulang magkasama kami mula sa Flor Contemplacion hanggang sa Pieta na huli na namin palang magiging proyekto. Lubos ko ring ikinatuwa ang minsan niyang pagkapanalo sa Cannes, isang bagay na alam ko pong magbubukas pa ng maraming pagkakataon para sa pelikulang Filipino at sa mga kapwa-nating artistang hinding-hindi matatawaran ang galing tulad ni Jaclyn,


"Laging masakit ang dulot ng kamatayan lalo pa’t isang dakilang artista ang nawala sa atin. Ngunit mananatili ang pag-asa at pag-ibig at ang sining na buong buhay niyang ibinigay sa atin, kaya’t sa gitna ng pagluluksa pong ito, naroroon rin ang pasasalamat natin sa kaniya, sa buhay, sining at karangalang ibinigay niya sa atin bilang mga Filipino," dagdag nito.


Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Nora si Jaclyn.


"Maraming salamat, Ms. Jaclyn Jose at isang mapayapang paglalakbay at yakapin ka sana ng ating manlilikha," pagtatapos ni National Artist.


Magugunitang magkasama ang dalawa sa upcoming film na Pieta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page