top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

James at Durant, mga kapitan sa NBA All-Star Game sa Pebrero

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 29, 2022





Magsisilbing mga kapitan sa pangalawang sunod na taon sina LeBron James ng Los Angeles Lakers at Kevin Durant ng Brooklyn Nets matapos makuha ang pinakamaraming boto sa pagtatapos ng bilangan para sa 2022 NBA All-Star Game ngayong Pebrero 20 sa Cleveland, Ohio. Inihayag din ng liga ang mga magbubuo ng first five ayon sa pinagsamang boto ng mga tagahanga, manlalaro at media.


Sasamahan si James galing sa Western Conference sina MVP Nikola Jokic ng Denver at Stephen Curry ng Warriors. Maglalaro ng first time sina Andrew Wiggins ng Warriors at Ja Morant ng Memphis.


Sa East Conference sina Durant, Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Joel Embiid ng Philadelphia para sa sentro at forward kasama sina Trae Young ng Atlanta at DeMar DeRozan ng Chicago.


Pipiliin ng mga kapitan ang mga magiging kakampi sa Pebrero 10 at handa na ang listahan ng 14 mga reserba. Five-time na magiging kapitan si James at gagawin ang All-Star sa balwarte niya sa Ohio habang pangalawa na ito kay Durant.


Pero hindi nakalaro si James kahapon dahil masakit ang tuhod at nagwagi ang 76ers vs. Lakers, 105-87. Pinatunayan ni Embiid ang pagiging All-Star para sa 26 puntos habang pinalakas ni Tobias Harris ang tsansang mapili bilang All-Star sa 23 puntos.


Kontrolado ng Philadelphia ang laro at lumamang ng 88-66 bago ang katapusan ng third quarter. Gumawa ng 31 puntos si Anthony Davis subalit lumagpak ang Lakers sa 24-25 at 8th sa West.


Pinatahimik ni Wiggins ang mga bumabatikos nang manalo sa botohan at naka-19 puntos at ipanalo ang Warriors kontra Minnesota Timberwolves, 124-115.


Nag-piyesta sa three-points ang Splash Brothers na sina Stephen Curry na nagtapos na may anim para sa 29 puntos at lima kay Klay Thompson para sa 23 puntos. Gumawa rin ng 19 puntos si Jordan Poole kapantay ni Wiggins.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page