P-Duterte, ikinanta na legal front ng mga komunista ang Makabayan Bloc kaya pahiya si Velasco na...

Todo-tanggol!!!
ni Ka Ambo - @Bistado | December 2, 2020
Happy anniversary po sa ating lahat na gumagalaw sa likod at harap ng ating pahayagang BULGAR.
Sa totoo lang, orihinal na “red” ang opisyal na kulay ng BULGAR mula nang magpasimula ang ating pamamamahayag!
◘◘◘
Red and black ang opisyal na kulay ng BULGAR kaya’t lutang na lutang ito sa mga newsstand na siyang agimat kung kaya’t palaging No.1 sa sirkulasyon kumpara sa mga kakumpitensiya na multi-color.
Maraming salamat sa walang sawang suporta sa nagdaang 29 na taong singkad!
◘◘◘
Paboritong topic ngayon ni P-Digong ang red tagging kaya’t sa huling taped press conference sa social media, inupakan niya ulit ang Makabayan Bloc.
Tahasang inakusahan ni P-Digong ang Makabayan Bloc sa Kamara bilang legal fronts ng CPP-NPA!
◘◘◘
Inayudahan ng Pangulo na tumpak na tumpak ang AFP sa pagsasabing legal front ng partidong komunista ang Makabayan Bloc pati na ang grupong Bayan at Gabriela.
Sa kanyang live broadcast, mula sa Davao City, lantarang nagdeklara si P-Digong nang: “We are not red-tagging you. We are identifying you as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos yung NPA-CPP”!
◘◘◘
Tiyak na ninenerbiyos si Speaker Lord Allan Velasco sa ginawa ni PRRD.
Mistulang nilaglag ni P-Digong si Velasco sa usapin ng red-tagging!
◘◘◘
Hindi ba’t dinepensahan ni Velasco ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc na sina Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, Kabataan Rep. Sarah Jane Elago, ACT Teachers Rep. France Castro at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas?
Matatandaang tinindigan ni Velasco ang Makabayan Bloc laban sa red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict's (NTF-ELCAC's) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr.!
◘◘◘
Nagbabala pa si Velasco na dapat mag-ingat ang AFP sa mga binibitawang salita kung wala namang matibay na ebidensiya ang mga ito.
Paano ‘yan, eh, si P-Duterte na mismo ang nagsalita na ang Makabayan Bloc ay legal front ng mga komunista!
◘◘◘
Hindi lamang red-tagging ang ginawa ni PRRD, diretsahan niya talagang sinabi na ang Makabayan Bloc at iba pang katulad na grupo ay legal front ng CPP-NPA.
Marami ang nababahala na maaaring rumesbak kay Velasco si P-Digong dahil sa suporta na tinatanggap ng Makabayan Bloc sa Kamara!
◘◘◘
Pinitpit nang todo ni P-Digong si Rep. Carlos Zarate na tumatanggap pa umano ng pera mula sa mga oligarch at walang ginawa kundi banatan ang gobyerno.
“You are friends with the NPA. You co-conspirators. Komunista ka adre, matagal na. Alam ko. Alam ko kasi alam ko”, wika ng Pangulo.
◘◘◘
Inupakan din ni P-Digong si CPP-NPA founder Joma Sison dahil ang guerilla ideology umano nito ay pumatay na ng maraming sundalo at mga pulis.
Kinuwestiyon pa ng Pangulo ang ideolohiyang ipinaglalaban ang mga CPP-NPA dahil communal war na lamang at pagpapabagsak sa gobyerno ang inaatupag ng mga ito!
◘◘◘
Tameme ang Kamara hinggil sa komunismo kompara sa Senado na nagsagawa ng pagdinig kaugnay sa expose ng isang “Ka Eric”.
Sa katunayan, dumalo sa pagdinig sina Zarate, Teddy Casino at Elago na itinanggi ang mga paratang na ito!
◘◘◘
Mismong si Ka Eric na ang humamon kay Velasco na suspendihin ang house rules at pagharapin sila at ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa isang pagdinig ng Kamara.
Ito ay upang malinawan ang naturang isyu dahil nakakainsulto aniya sa taong bayan na may mga Kongresista na pinapasahod ng buwis pero kaaway sila ng gobyerno.
Hinihintay ng taumbayan ang reaksiyon at aksiyon ni Speaker Velasco hinggil dito!





Comments