top of page
Search
  • BULGAR

Madam Auring, pumanaw na sa edad 80

ni Lolet Abania | October 30, 2020




Pumanaw na si Aurea S. Erfelo, mas kilala sa tawag na Madam Auring sa edad na 80, ayon sa Facebook post ng apong si Daryl Simon Pecson ngayong Biyernes.


"Grabe ang pinagdaanan mo during your senior years, pero you still worked hard for your family (us) I feel sad and happy," post ni Daryl sa Facebook.


"Sad kasi I will never see you again, mga wisdom words mo, korni jokes, happy bondings, and pagkurot sa aking pisngi hanggang mamula. Happy ako kasi you have done everything you could to make us feel loved the way you know how, your struggles are over. You fought your battles silently. Magkikita na kayo ni Mama sa kabilang buhay," dagdag niya.


Gayunman, hindi binanggit ng pamilya ni Madam Auring ang detalye ng kanyang pagkamatay ngayong araw, subali’t ang apo niyang si Mike Gibran ay nagsabing naospital siya noong kaarawan niya ng March.


Samantala, nakilala si Madam Auring bilang fortune teller at lumabas din sa ibang TV guestings.


Isa sa mga pinakamahusay niyang prediksiyon ay ang tagumpay sa laban ni Muhammad Ali noong 1975 na “Thrilla in Manila”.


Dagdag pa rito, nahulaan ni Madam Auring na magwawagi sa Miss Universe pageant ang beauty queen na si Amparo Munoz noong 1974.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page