by Info @Editorial | July 20, 2024

Nagpatuloy ang paghahanda para sa May 2025 midterm polls.
Bagama’t regular naman nating ginagawa ang halalan, sadyang may mga problema o isyu na bago at kailangang paghandaan.
Katulad ng pagsasagawa ng kampanya na sinasabing marami ng nagbago at dapat nang magawan ng panuntunan para maiwasan ang gulo.
Tulad ng paggamit ng social media kung saan, plano ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng socmed ng mga kandidato.
Kumpara nga naman sa ibang plataporma gaya ng radyo at telebisyon na nare-regulate ng Comelec, sa social media ay wala.
Kabilang sa nais ma-regulate ng poll body ay ang paggasta ng mga kandidato sa socmed. Gaya halimbawa ng kung naidedeklara ba ito ng kandidato.
Kaya plano rin ng Comelec na pumasok sa kasunduan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para masilip ang mga kandidatong nagbabayad ng mga influencer o content creator pero hindi naman idinedeklara.
Kasama ang iba pang election stakeholders, nagsagawa ng forum at consultation ang Comelec para talakayin ang isyu ng Artificial Intelligence at epekto nito sa halalan.
Samantala, ang panawagan naman natin sa mga influencer na makikilahok sa kampanya, sana’y piliin din natin ang kandidatong susuportahan at ipapakilala sa madla. Gamitin natin ang pagiging influencer sa mabuti at tama.
Commenti