top of page
BIDA - UNVEILING NG WAX FIGURE NI KATHRYN, SA ‘PINAS GAGAWIN-FB Circulated.jpg

Mga gas station na abusado, parusahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 16
  • 1 min read

by Info @Editorial | March 16, 2026



Editoryal, Editorial


Iniimbestigahan na ng Department of Energy (DOE) ang daan-daang reklamo laban sa mga gasolinahan kaugnay sa serye ng bigtime oil price hike.


Bago pa man naging epektibo ang double-digit price hike, halos 100 concerns na umano ang natanggap ng ahensya. Simula noon, lalo pang lumobo ang mga sumbong kung saan marami rito ay dahil umano sa mataas na presyo ng mga produkto na hindi akma sa makatwirang price range.


Hanggang sa kalagitnaan ng linggo, umabot na sa 500 reklamo ang natanggap at patuloy na inaaksyunan.


Sa panahon ng krisis, higit na mahalaga ang pananagutan ng mga negosyo sa publiko. Ang mga gasolinahan ay hindi lamang kumikita sa pangangailangan ng mga motorista; sila rin ay may tungkuling sundin ang regulasyon at tiyakin na patas ang presyo at sukat ng kanilang produkto. 


Kung mapapatunayang may mga establisimyentong nagsamantala sa gitna ng pandaigdigang krisis, nararapat lamang na mapatawan sila ng mabigat na parusa.

Kasabay nito, dapat ding maging mas mahigpit ang pagbabantay ng pamahalaan.


Ang krisis sa langis ay maaaring dulot ng digmaan sa ibang panig ng mundo, ngunit ang pagiging patas at makatarungan sa presyo ay responsibilidad dito mismo sa ating bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page