Construction worker, timbog sa baril

ni Maeng Santos @News | October 16, 2026

Photo: File
Arestado ang 39-anyos na construction worker matapos makumpiskahan ng umano’y hindi lisensyadong baril sa Brgy. 182, Pangarap Village, Caloocan City.
Ayon kay NPD Director PBGEN Benliner Capili, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Caloocan Police sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte, kasunod ng impormasyong nagtatago ng ilegal na baril ang suspek.
Nasamsam sa bahay nito ang isang kalibre .38 revolver na may mga bala alas-9 ng gabi.





Comments