Construction worker, nabagsakan ng pinuputol na puno, dedo
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 13, 2026

Photo: File
Isang construction worker ang nasawi matapos mabagsakan ng puno na kanilang pinuputol sa Brgy. Saad, Dumingag, Zamboanga del Sur, nitong Martes ng umaga.
Ayon kay Police Capt. Derf Jay Maquinta, alas-9:30 ng umaga, kasama umano ng 57-anyos na biktima, ang tatlo pang manggagawa, kabilang ang operator ng chainsaw, sa pagputol ng isang malaking puno ng Talisay nang bigla itong bumagsak at tumama sa ulo ng biktima.
Agad na isinugod sa Dumingag Rural Health Unit ang biktima, ngunit idineklara siyang dead-on-arrival.
Samantala, isinailalim sa kustodiya ng Dumingag Municipal Police Station ang operator ng chainsaw kasama ang isang hindi rehistradong chainsaw na narekober sa lugar.





Comments