CongTV at Viy, tampok sa music video ng 'Pulso' ni Zack Tabudlo
- BULGAR
- Feb 25, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 25, 2024

Inilabas na ni Zack Tabudlo ang music video para sa kanyang pinakabagong single na "Pulso" kung saan tampok ang real-life couple na sina CongTV at Viy Cortez.
Ang lyrics ng kanta ay mula sa perspektibo ng love letter ng isang lalaki para sa babae na kanyang minamahal.
Napakatamis naman ng mga eksena ng magkasintahan sa music video, lalo na noong inaayos ni Cong ang belo ni Viy bago sila magsimulang sumayaw nang mabagal.
Nailabas na ni Zack ang "Pulso" noong nakaraang buwan.
Kabilang sa kanyang mga naunang obra ang mga album niyang "3rd Time's A Charm" at "For All."
Nagkaroon din siya ng collaboration sa Thai singer-songwriter na si Violette Wautier para sa kantang "Turn Back Time" at sa South African artist na si Nasty C para sa kantang "Fallin."
Nakatakda ang unang malaking solo concert ni Zack sa ika-18 ng Abril sa SM Mall of Asia Arena.
Comments