top of page
Search
  • BULGAR

Confi funds na pera ng bayan, naging pag-aari na ng mga trapo, mga kapalmuks!!!

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 9, 2023


CONFIDENTIAL FUNDS INUUBOS NG MGA TRAPO NANG HINDI NA KAILANGAN IPALIWANAG SA COA SAAN ITO GINASTA AT INUBOS -- Nang kuwestyunin nina Pastor-Politician Greco Belgica at Atty. Samson Alcantara noong year 2013 sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng pork barrel fund ng mga senador at kongresista ay idineklara ng SC na illegal o unconstitutional ito.


Kaya’t sana, may magkuwestyon din sa SC tungkol sa legalidad ng confidential fund na tinatanggap ng mga traditional politician (trapo), kasi hindi talaga katanggap-tanggap sa mamamayan na mistulang pag-aari na ng mga trapo ang pera ng bayan dahil ang ganitong uri ng pondo (confidential fund) ay ginagasta at inuubos nila nang hindi na kailangang ipaliwanag sa Commission on Audit (COA) at sa sambayanan kung saan nila ito ginastos kasi nga ang paggasta nila rito ay walang kaakibat na resibo, period!


◘◘◘


MGA SEN. AT CONG. NA SABIT SA PORK BARREL SCAM IPINAKULONG NI P-NOY, PERO NANG MAGING PRESIDENTE SI DIGONG PINALAYA AT IBINALIK PA ANG PORK BARREL -- Matapos ideklara ng SC na unconstitutional ang pork barrel, agad ipinatigil noon ni dating Pres. Noynoy Aquino ang pagbibigay ng ganitong pondo (pork barrel) sa mga sen. at cong., at pagkaraan ay pinasampahan ng kasong plunder at ipinakulong ang mga senador at kongresista na nasangkot noon sa pork barrel scam ni Janet Napoles.


Ang masaklap nga lang, nang maging presidente si ex-P-Duterte, ay nakalaya ang mga sen. at cong. na nakulong sa kasong plunder, at ibinalik ang pork barrel funds ng mga senador at kongresista, na ang diskarteng ginawa ay hindi na ito dinadala sa tanggapan ng mga lawmaker, isinisingit umano ito sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at dito (gov’t. offices) ito kinukuha ng mga pork barrel politician, tsk!


◘◘◘


MAGING ‘NGANGA’ DIN KAYA ANG BAGONG PD NA SI COL. RODERICK SAMSON SA MGA RAKET NINA ‘RICO,’ ‘ALING TESSIE’ AT ‘PAJUN’ SA BATANGAS? --Bago na ang police provincial director ng Batangas at siya ay si Col. Samson Belmonte, at ang kanyang pinalitan sa puwesto ay si Col. Rieniero De Chavez.


Natanggal bilang PD si Col. De Chavez nang hindi niya nagawang ipahuli sina alyas "Rico" na lider ng "Paihi Gang" sa Batangas City; "Aling Tessie" na may color games sa Lipa City, Tanauan City at Sto. Tomas City at "Pajun" na may raket na drop balls sa Lian, kaya’t ang tanong, ngayong si Col. Belmonte na ang PD ng Batangas ay makaya naman kaya niya na ipa-"tokhang" na ang mga ilegalistang ito o magiging "nganga" lang? Abangan!


◘◘◘


MAGAWA KAYA NG BAGONG SPD DIRECTOR NA SI GEN. MARIANO NA IPA-‘TOKHANG’ ANG MGA ILEGALISTA SA SOUTHERN PART NG METRO MANILA? Bago na rin ang district director ng Southern Police District Office (SPDO) sa katauhan ni Brig. Gen. Roderick Mariano.


Tingnan nga rin natin kung kayang ipa-"tokhang" ni Gen. Mariano ang mga lotteng lords at bookies lords na sina "Haruta," "Joy," "Deck," "Ricky," "PJ," "Allan," "Toto" at "Josie" sa Muntinlupa City, Pasay City, Taguig City, Parañaque City, Makati City at Las Piñas City, abangan!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page