Condo, napupuno na ng gamit… KRIS, ROBE ANG BAGONG KOLEKSIYON

ni Nitz Miralles - @Bida | November 4, 2020

Naghuhulaan ang mga nakabasa sa nabanggit ni Kris Aquino na ang makakasama niya sa bagong TVC ng Lady’s Choice na kanyang isu-shoot ay nakasama niya sa Startalk ng GMA-7 at sa The Buzz ng ABS-CBN.
Nag-Google kami at nalamang sina Boy Abunda at Lolit Solis ang mga naging co-hosts ni Kris sa Startalk, kaya malamang, si Boy ang makakasama ni Kris sa TVC ng Lady’s Choice. Sina Boy at Toni Gonzaga rin ang nakasama ni Kris sa The Buzz and again, si Boy ang hula ng mga netizens na makakasama ni Kris at mag-e-air pa sa ABS-CBN.
Kaya pala sabi ni Kris, “It’s a reunion with some of my friends with ABS-CBN. Actually, it’s going to air on the digital channel of ABS-CBN.”
Sa latest video ni Kris, nabanggit nitong today ay may recording siya at susunod ang shoot niya ng TVC. Sa November 8, formal nang magiging part si Kris ng Puregold.
Anyway, nakakaaliw ang condo unit ni Kris, kung saan sila nag-i-stay ngayon ng mga anak, dahil sa dami ng gamit — mula sa shoes, sa food at sa maraming robe na favorite niyang kolektahin ngayon. More than 20 na raw ang naiipon niyang robe at mukhang madaragdagan pa.





Comments