top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Con-Con para sa Cha-Cha, lusot na sa Kamara

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2023
1 min read

ni BRT | March 7, 2023




Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 na nagpapatawag ng Constitutional Convention o Con-Con para sa Charter Change o Cha-Cha.


Batay sa ulat, 301 mga kongresista ang bumoto pabor sa pagpapatibay ng resolusyon na 93% ng kabuuang miyembro ng Kamara habang 6 ang tumutol at 1 ang nag-abstain.


Sa ilalim ng RBH No. 6, itinutulak na isagawa ang pagpili sa magiging delegado ng Con-Con kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa October 30, 2023.


Mga “economic provisions” naman ang tina-target na amyendahan sa 1987 Constitutions.


Bago pagtibayin ang RBH No. 6 ay nagsagawa muna ng Majority Caucus ang lahat ng partido sa Kamara na binubuo ng Majority Coalition sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang lider ng Kapulungan kung saan tiniyak ang hindi bababa sa 300 kongresista ang suporta sa RBH No. 6.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page