Search
  • BULGAR

Coach Tim Cone, may tinatarget nang player para sa Rookie Draft

ni MC - @Sports | January 14, 2021





Tiwala si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na makakapulot sila ng mahusay na manlalaro sa paparating na PBA Rookie Draft sa kabila na kailangang maghintay ng Gin Kings upang magawa nila ang pagpili.


Hawak ng Ginebra, ang 2020 PBA Philippine Cup champ, ang 12th pick sa first round ng draft, na magaganap sa Marso 14.


Ayon kay Cone, kailangan nilang mag-ingat ng todo sa pagpili dahil alam nilang mahirap makahanap ng manlalaro na agad makatutulong sa team lalo pa at pang-12 ang kanilang hawak na tiket. "From what I understand, this coming draft is supposed to be a deep draft," ani Cone."However, we are drafting at No. 12. It's really hard to find a true impact player at that spot."But you'll never know,"dagdag nito. "This is a deep draft, so we'll take the best player available, irrespective of position."


Ilan sa potensiyal na first rounders ang nagdeklara na sa draft kasama sina Alvin Pasaol, Franky Johnson at Santi Santillan. Isa si Filipino-American point guard Jason Brickman sa mga nag-apply pero nagkaroon ito ng problema sa eligibility dahil kulang ang kanyang dokumento na nire-require ng liga.


Ilang mahuhusay na collegiate players din ang nag-apply sa draft kasama sina reigning NCAA Most Valuable Player Calvin Oftana ng San Beda University at De La Salle University center Justine Baltazar. "We will certainly use our pick very, very carefully," ani Cone. "We've got our eyes on a couple of guys," and we are hoping they will drop to where we are."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.