Search
  • BULGAR

Coach Gorayeb, cancer-free na matapos ang 8 chemo sessions

Updated: Jun 25

ni VA - @Sports | June 24, 2020




Matapos sumailalim sa chemotherapy ng ilang buwan, nakatanggap ng isang magandang balita ang multi-titled volleyball coach na si Roger Gorayeb noong nakaraang Linggo-Father’s Day.

Na-diagnosed noong nakaraang taon na may multiple myeloma, ang 60-anyos na mentor ay idineklara ng "cancer free".


“Meron akong serum test about a month ago, lumabas dun na negative na ako sa lahat. Parang zero. Cancer-free na. Wala nang signs, wala na akong lesions sa buto ko,” anang 22-time NCAA champion coach.

Head coach sa ngayon ng PLDT Home Fibr sa Super Liga at San Sebastian sa NCAA , si Gorayeb ay nakawalong sessions ng chemotherapy.


Naging mahirap din ang kanyang sitwasyon dahil bukod sa nasabing sakit ay mayroon pa siyang diabetes habang tinamaan din ng myeloma ang kanyang kidney.


“’Yung doctor ang sabi niya sa akin, ‘Hindi namin akalain na mabubuhay ka pa coach, kasi wala kaming nakita ‘yung pinagdaanan mo na nabuhay nang ganyan. Mag-ingat kang maigi.’ Sana wala na talaga kasi natatakot sila. Baka madapa ako, mabali buto ko,” wika ni Gorayeb.

Isa sa dalawang V-League Triple Crown champion coaches, sasalang muli si Gorayeb sa panibagong test sa susunod na buwan upang makasigurong wala na talaga ang cancer sa kanyang katawan.

“Pag nag-negative uli dun, maintenance na lang ako. Hopefully, ‘wag nang bumalilk.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.