top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

COA, kamot-ulo sa P21-B confi fund na naubos ni Ex-P-Duterte

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 13, 2023


VP SARA, MAY P500-M CONFI FUNDS NA SA OVP AT P150-M CONFI FUNDS SA DEPED, MAGKAKAROON PA NG KONTROL SA P6.3-B CONFI FUNDS NG NTF-ELCAC—Binatikos ni ACT Teacher partylist Rep. France Castro ang pagtalaga ni Presidential Security Adviser Eduardo Año kay Vice President, Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio bilang co-vice chairman ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Ayon sa partylist congresswoman, magkakaroon na rin si VP Sara ng kontrol sa P6.3 billion confidential funds ng NTF-ELCAC.


May punto si Cong. Castro na batikusin ito dahil mantakin n’yo, may P500 million confidential funds na nga ang Office of the Vice President, may P150-M confidential funds din ang DepEd, na kapwa nasa kontrol ni Sara, tapos magkakaroon na rin siya ng kontrol sa P6.3-B confidential funds ng NTF-ELCAC, boom!


◘◘◘


KABUUANG P21-B CONFI FUND NI EX-P-DUTERTE, NAUBOS AT ‘DI ALAM NG COA KUNG SAAN NAPUNTA DAHIL WALANG RESIBO—Sa mga naging presidente ng Pilipinas, si ex-P-Duterte ang nagkaroon ng pinakamalaking confidential funds. Sa anim na taon niya sa puwesto, ang kabuuan ng kanyang confidential funds ay umabot sa P21 billion (P2.5-B noong 2017, P2.5-B noong 2018, P2.5-B noong P2019, P4.5-B noong 2020, P4.5-B noong 2021 at P4.50-B noong 2022).


Ayon sa Commission on Audit (COA), ubos ang lahat ng confidential funds ni ex-P-Duterte.


Ang nakakabuwisit lang, walang isinumiteng resibo ang dating Pangulo sa COA kung saan niya ito ginastos, kaya hindi rin alam ng mamamayan kung saan napunta ang pondo, tsk!


◘◘◘


P21-B CONFIDENTIAL FUNDS NI EX-P-DUTERTE, TIYAK NA HIHIGITAN NI P-BBM—Sa laki ng tinanggap na confidential funds ni ex-P-Duterte, tiyak na hihigitan siya ni Pres. Bongbong Marcos Jr. (P-BBM). Sa umpisa pa lang ng kanyang termino, nagkaroon agad ng P4.5-B confidential funds si P-BBM, at kung yearly ay ganito kalaki ang hihingiin niyang pondo, kapag kinuwenta ito sa anim na taon ay katumbas ng P27-B.


Paano kung taun-taon ay lakihan ni P-BBM ang confidential funds ng kanyang opisina?


Aba, tiyak na mahigit sa P27-B ang kanyang magiging confidential funds sa loob ng six years niya sa puwesto, boom!

◘◘◘


MISTULANG INAANGKIN NG MGA TRAPO ANG CONFIDENTIAL FUNDS DAHIL ‘DI INI-INFORM ANG COA AT MAMAMAYAN KUNG SAAN ITO GINASTOS—Wala naman sanang kuwestyon kahit lagyan ng confidential fund ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, basta lahat ng gagastusin na magmumula rito ay may kaakibat na resibong isusumite sa COA. Ang problema, wala at hindi malaman ng COA at mamamayan kung saan ginagastos ang kaban ng bayan na inilagay bilang confidential funds ng mga trapo o traditional politicians.


‘Yan ang malungkot na nangyayari sa ‘Pinas, ‘yung pera ng bayan na inilagay bilang confidential funds sa mga tanggapan ng pamahalaan ay mistulang inangkin ng mga trapo dahil hindi nila ini-inform ang mamamayan kung saan nila ginagastos ito dahil wala silang ibinibigay na resibo sa COA, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page