Close sa naudlot na biyenan… MADIR NI DEREK, AYAW IDAMAY NI ANDREA SA HIWALAYAN NILA
- BULGAR

- Nov 30, 2020
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 30, 2020

Hindi idinadamay ni Andrea Torres sa isyu nila ni Derek Ramsay ang mommy ng morenong aktor kahit tinapos na niya ang kanilang ugnayan.
Kung binura mang lahat ng aktres sa kanyang Instagram ang lahat ng larawan nila ni Derek, itinira pa rin niya ang picture na magkasama sila ng mommy ng kanyang ex-BF.
Naging close si Andrea sa mommy ni Derek kahit one year lang tumagal ang kanilang relasyon. Maraming happy memories si Andrea na kasama ang parents ni Derek.
Napaka-warm ng pagtanggap nila kay Andrea noong first time na ipakilala siya ni Derek sa kanyang pamilya. Puring-puri pa nga siya ng mommy ni Derek dahil isa raw itong disenteng babae!
Maging ang partidos ni Andrea at parents ni Derek ay nagkaroon agad ng bonding noong mag-get-together sila sa rest house ng mga Ramsay sa Tagaytay, kaya marami ang nagulat sa biglaang paghihiwalay nila.
Bilang respeto sa mga magulang ni Derek, minabuti ni Andrea na manahimik at ‘wag nang magsalita kung ano talaga ang dahilan ng breakup nila ng aktor. Very supportive naman ang pamilya at mga kaibigan ng Kapuso actress. At makakabuti sa kanya ngayon ang pagiging abala.
May mga TV guestings siya sa GMA ngayon. Ang latest niya ay ang pagganap sa isang kakaiba at challenging role sa Magpakailanman. Mag-uumpisa na rin ang locked-in taping ni Andrea Torres para sa bago niyang serye sa GMA-7, ang Legal Wives kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali. Malaking tulong para sa pagmu-move on ni Andrea ang pagiging abala niya sa trabaho. Titiyakin niyang hindi niya mararanasan ang blue Christmas dahil kapiling niya ang kanyang pamilya. At ‘yun naman ang mahalaga kapag araw ng Pasko!





Comments