top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Clinical trial ng COVID-19 vaccine, uunahin sa Metro Manila, CALABARZON at Cebu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2020
  • 1 min read

ni Twincle Esquierdo | September 11, 2020



Magsasagawa ng clinical trials ng Covid-19 sa Metro Manila, Calabarzon at Cebu, ayon kay Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña.


Base sa World Health Organization's Solidarity Trial, uunahin ang 1,000 na nag-volunteer sa mga lugar na may malaking bilang ng nasabing sakit.


“Anim na trial zones sa Metro Manila, isa sa Calabarzon, isa sa Cebu,” sabi ni dela Peña na kanilang isasagawa.


Ayon sa government’s Coronavirus task force, kukuha sila sa 5 hanggang 10 barangay na sasailalim sa bakuna na may mataas na kaso ng COVID-19.


Saad naman ni dela Peña, dapat ay malapit lang sa lugar ng mga mapipiling barangay dahil maaaring hindi sila magkasya o mag-overflow.


“Kung hindi kasya doon sa napiling mga barangay, maaari pang mag-overflow sa karatig na barangay. Importante kasi na iyong lugar na pipiliin ay malapit doon sa mga lugar na mataas ang incidence o ang cases dahil ating susubukan ang efficacy ng bakuna,” sabi ni dela Peña.


Gayundin, ang mga independent clinical trials ng mga pribadong kumpanya ay bibigyan din ng trial zone.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page