top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Clearing operations sa mabuhay lanes, 'wag tantanan kontra trapik

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | December 8, 2023


Asahan na ng publiko ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga susunod na araw lalo na’t papalapit na ang Pasko.


Ito ang pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Romando Artes sa isang panayam, kung saan sinabi nitong simula kahapon ay hudyat na ito ng holiday season, kasunod pa ngayong Biyernes, Disyembre 8, na isang special non-working holiday.


Ayon kay Artes, ang mga weekends ng Disyembre 15 at 22, ay magiging pinakamabigat na daloy ng trapiko dahil aniya, payday weekend kaya asahan nang marami ang magla-last minute shopping, habang ang Disyembre 22 naman, weekend pa-Christmas kaya dadagsa ang mga magsisiuwi sa kani-kanilang mga probinsya na magpa-Pasko.


Gayunman, sinabi ni Artes na hindi nila aalisin ang number coding window hours dahil walang “carmaggedon” na sitwasyon sa mga kalsada.


Makakaya naman umano nila na i-manage ang daloy ng trapiko at hindi mag-i-standstill nang matagal. Sisiguruhin din nila na gagalaw ang mga sasakyan at pamamahalaan nila ito nang maayos ang mga lansangan upang hindi umabot sa lebel na matinding traffic.


Kaugnay nito, mas paiigtingin din ng MMDA ang kanilang clearing operations sa Mabuhay Lanes para makapagbigay ng alternatibong ruta sa Metro Manila.


Hindi na bago para sa ating mga kababayan na talagang nagiging mabigat ang daloy ng trapiko sa ating mga lansangan tuwing sasapit ang ganitong mga panahon.


Siyempre, sanay na tayo sa tinatawag na gatherings, reunions, parties at marami pang iba kaya halos lahat ay lumalabas ng bahay. Sabayan pa ng mga midnight sale ng mga malls ay talagang abot-abot na ang traffic sa mga lansangan.


Payo natin sa publiko na iwasan na lang natin ang sumabay sa Christmas rush sa weekends para hindi tayo maipit sa masikip na daloy ng trapiko.


Kung kakayanin din ng ating badyet ay magsimula na tayo ngayon na mamili ng ating mga panreregalo para hindi rin tayo magmadali at matorete sa dami ng ating kailangan bilhin at magiging relax na lang tayo habang hinihintay ang Pasko.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page