ni Angela Fernando @Entertainment News | August 8, 2024
Nagbahagi ng kanyang saloobin ang aktres na si Claudine Barretto sa isang Instagram post at inamin niyang nasasaktan siya para sa mga fans at anak niya.
Hindi naman ibinigay ng aktres ang context sa nasabing post, kaya maraming mga netizens ang umuusisa sa kanya patungkol dito.
"[Masakit] pa rin pala pag nasasaktan kaibigan mo. [Thank you] sa lahat ng messages of love & support. [I didn't post] this to hurt the person who hurt me. [Masakit] sobrang malaman na nasasaktan [s'ya. But I posted kasi I wanted my Claudinians to know how much love & gratefulness I have for all of you, you always have my back & protect me. Ako naman 'wag lang galawin mga Claudinians ko at ipagtanggol mga anak ko kahit 'di na ako," saad ni Claudine.
"[Mahirap 'pag may 3rd person na nanggagatong at nakikialam. 'Pag ang mag kaibigan nag-aaway try mo pag-ayusin 'wag palalain 'yung away kasi never kang mananalo kung ang Claudinians at mga anak ko na ang tinatalo mo. Lumalala ang gulo 'pag may nagsusulsol. 'Di ka inaano 'wag kang nakikialam na parang battle mo 'to. Na 'di ka na tutulong dahil sa connections mo. Remind ko lang NAMATAYAN NA AKO, NAHIWALAY and I'm still standing! 'Di ka kawalan kaya lumayo ka na at 'wag pa-involve sa problema namin. 'Di aabot dito kung 'di rin dahil sayo]," pagbibigay-diin ng aktres.
Habang isinusulat ang artikulo ay wala pang dagdag na impormasyon sa kung sino ang pinatutungkulan ng aktres ngunit maraming mga tagasuporta nito ang naka-appreciate ng kanyang pagmamahal sa Claudinians at mga anak dahil ready to fight daw talaga si Claudine Barretto kapag ito na ang pinag-uusapan.
Comments