top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Chua at Baoanan 3rd at 5th place, Yap champ sa U.S. Open 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2025
  • 2 min read

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports News | August 25, 2025



Johann Chua - FB

Photo File: Johann Chua - FB



Naisalba ni World Nineball Tour (WNT) no. 4 Johann Chua ng Pilipinas ang pangatlong karangalan habang pumanglima ang kababayang si Michael Baoanan nang magsara ang 48th U.S. Open Pool Championships sa prestihiyosong kompetisyon sa Atlantic City, New Jersey kahapon.


Tinumbok naman ni Reyes Cup 1.0 Most Valuable Player Aloysius Yapp ang kanyang pinakaunang korona sa paligsahan matapos maungusan si World Nineball Tour no. 1 Fedor Gorst sa finals, 13-11. Isinuot sa alas ng Team Asia ang simbolikong Green Jacket bilang hari. Itinaas din ng Singaporean ang champion's trophy at nagbulsa ng $100,000.


Lumutang din sa palaruan ng Harrah's Resort ang angking husay ng Team Asia sa $500,000 event dahil isa pang pambato nito si Tawainese Pin Yi Ko ay nakasalo rin ni Chua sa huling upuan ng podium.


Pitong magkakasunod na panalo ang itinala ni "Bad Koi" Chua sa $500,000 na pagtitipon ng pinakamababangis na mga puwersa ng pagtumbok sa buong daigdig. Kasama sa mga naturuan ng tubong Bacolod ng leksyon ay sina Dutch Niels Feijen (10-2) sa quarterfinals, Serbian Aleksa Pecelj (10-7) noong round-of-16, ang Griyegong si Alexander Kazakis (10-6, round-of-32) at si Thorsten Hohmann ng Germany sa iskor na 10-9 sa Last 64.


Pero sa semifinals, kinapos ang batikang Pinoy sa opensa ng Rusong si Fedor Gorst, 7-11, kaya nakuntento na lang siya sa isang upuan sa podium. 

Sa kabila nito ay tumanggap naman ang Battle of the Bull winner ng pakonsuwelong $25,000.


Kamuntik nang maging all-Asian semis ang karera para sa $100,000 na kaganapan matapos maiwanan si "Ghost" Gorst ni Michael Baoanan, 7-9, pero kumurap ang huli.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page