Chopper bumagsak sa Pampanga, 1 patay, 2 sugatan
ni Lolet Abania | August 16, 2022

Isa ang patay habang dalawa ang nasugatan matapos bumagsak ang isang helicopter sa Clark Freeport Zone sa Pampanga ngayong Martes.
Ayon sa mga awtoridad ang dalawang sugatang biktima ay mga mechanics na nagkukumpuni ng naturang chopper.
Sa records ng Pacific Spotter Company, makikita na ang mga biktima ay nagsasagawa ng technical repairs para sa Model MD369HS helicopter, na manufactured noong 1973, nang bigla itong mag-crash midflight bandang alas-10:50 ng umaga ngayong Martes.
“Tine-test nila iyong chopper at sa kasamaang palad ay nagkaroon po ng disgrasya,” pahayag ni Mabalacat City information officer Jay Pelayo sa ABS-CBN News.
Agad namang iniutos ni Mabalacat City Mayor Cris Garbo sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na alamin ang naganap na insidente at idetermina ang tulong na maaaring ibigay ng lokal na pamahalaan.





Comments