Search
  • BULGAR

Chooks 3x3, magiging unang professional league sa 'Pinas

ni VA - @Sports | July 28, 2020




Nakatakdang maging kauna-unahang 3x3 professional league ng bansa ang Chooks-to-Go 3x3 Pilipinas League.


Ang Chooks-to-Go 3x3 Pilipinas ang tinutukoy ni Games and Amusement Board chairman Abraham Mitra na nagpahayag ng kanilang intensiyon na maging professional sa pamamagitan ng pag-aapply sa GAB.


Sumulat na ani Mitra sa GAB ang pamunuan ng liga at hinihintay na lamang na maaprubahan ang aplikasyon nito.


Pero kahit hindi pa sila naidedeklarang professional league, pinayagan na sila ng Inter-Agency Task Force na makapag-ensayo kasama ng PBA, Philippine Football League at professional boxing.


Inaasahan ni league commissioner Eric Altamirano ang pagsisimula ng kanilang season bago matapos ang taon ay isa ng professional league ang 3x3 Pilipinas.


Sa kasalukuyan ay naka-focus ang kanilang konsentrasyon sa paghahanda para sa Olympic Qualifying Tournament na nakatakdang idaos sa bansang Austria sa susunod na taon.


At pagkatapos ng OQT, doon na nila isusulong ang hangad na maging professional league ayon kay Altamirano.


At sapagkat maglalaro sa Olympic qualifying, mananatili muna ang 3x3 Pilipinas sa ilalim ng Philippine Sports Commission kahit ang dalawa sa bumubuo ng national team ay kapwa nasa PBA na sa katauhan nina CJ Perez at Moa Tautuaa.


Ang dalawa pa nilang teammates na galing naman sa Chooks to Go 3x3 pool ay sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.