Chloe, ayaw daw mag-showbiz pero nasa ASAP na
- BULGAR
- Sep 1, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @Entertainment News | September 1, 2024

Binigyang-diin ni Chloe Anjeleigh San Jose, dyowa ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na hindi niya gustong pasukin ang showbiz industry.
Ito ay matapos matanong ang social media personality sa isang ginanap na ambush interview. Winakasan na agad ni Chloe ang mga usap-usapang gusto niyang mag-artista.
"No, showbiz for me po, I’ll keep creating content lang po," saad ni Chloe.
Respectful naman ang dalaga sa pagsagot ng mga tanong sa kanya at very direct ito at sigurado sa kanyang mga answers kaya naman ikinataka ng madlang pipol dahil nag-guest ngayong Linggo si Chloe sa ASAP at nag-perform pa ng awitin ng international singer na si Camila Cabello na Havana.
Matatandaang pinutakti ng bashing si Chloe matapos umugong ang mga tsismis na lagi itong nakikisali sa mga interbyu ni Caloy (Carlos Yulo) para mapag-usapan at gumawa ng pangalan para sa kanyang sarili. Taliwas sa alam ng karamihan, nauna nang maging content creator ang dalaga bago pa sila nagkaroon ng ugnayan ng kanyang boyfriend.




Comments