‘Charot, eme’ ni Kim Soo Hyun sa concert sa Araneta, nag-trending
ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 30, 2024

Nag-trending ang 'Queen of Tears' star na si Kim Soo-hyun dahil sa kanyang pagbibiro sa mga fans gamit ang Tagalog slang na 'charot' at 'eme.'
Isinagawa ng Korean superstar ang sold-out na ‘Eyes on You’ fan meeting noong Sabado ng gabi sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Kumanta rin siya ng ilang mga hit songs tulad ng ‘Wherever You Will Go’ ng The Calling at ‘All of Me’ ni John Legend.
Kamakailan lamang ay naging pinakamatunog ang pangalan ni Kim Soo Hyun sa mundo ng K-Drama dahil sa kanyang top-rated series na 'Queen of Tears' kasama si Kim Ji Won.
Kaya naman matagumpay niyang tinapos ang fan meeting sa pamamagitan ng pag-awit ng OST ng nasabing drama na may pamagat na "Way Home," at inihayag niyang maaari siyang bumalik sa bansa ngayong taon.





Comments