Chacha committee report ni Sen. Padilla, patawa dahil siya lang ang pumirma
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 01, 2023
SEN. PADILLA, UMEEPAL, HANDA RAW SIYANG MAGPAKULONG KAHIT ‘DI NAMAN SIYA KASALI SA KINASUHAN NG ICC—Sabi ni Sen. Robin Padilla, kapag nagpalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) at dinakip si Sen. Ronald Dela Rosa, sasama raw siyang magpakulong dahil isa siya sa mga sumuporta noon sa drug war ni ex-P-Duterte.
Pambihira naman ‘tong si Sen. Robin, eh, hindi naman siya kasali sa kinasuhan ng ICC, tapos umeepal at nakikisali pa. Boom!
◘◘◘
CHACHA COMMITTEE REPORT NI SEN. PADILLA, KUWELA KASI SIYA LANG ANG PUMIRMA—Isinapubliko ni Sen. Padilla ang kanyang draft committee report tungkol sa Charter Change (ChaCha), at ang kuwela rito ay siya lang ang pumirma, kahit isang senador na miyembro ng pinamumunuan niyang Senate-Constitutional Amendments ay hindi pumirma.
Kung sinuman ang nagpayo kay Sen. Padilla na isapubliko ang kanyang committee report, sablay ‘yan dahil siya lang ang may pirma at lumabas siyang katawa-tawa sa publiko. Ha-ha-ha!
◘◘◘
ANG MANDATO NI VP, DEPED SEC. SARA AY PAUNLARIN ANG EDUKASYON AT ‘DI MANG-RED-TAG – Binatikos ni ACT Teacher Rep. France Castro ang pangri-red-tag sa kanya ni Vice Pres., Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte-Carpio, gayung wala naman daw masama sa panawagan niyang mag-hire ng 30K guro yearly ang DepEd para magkaroon ng hanapbuhay ang mga newly graduate na mga titser at para mas mapaunlad ang edukasyon sa Pilipinas.
May punto si Cong. Castro sa sinabi niyang ito, kasi ang mandato ni VP Sara bilang DepEd Sec. ay paunlarin ang antas ng edukasyon sa bansa, at hindi para mang-red-tag, period!
◘◘◘
NAKALIMUTAN NA NGA ANG PRAMIS NIYANG AYUDANG P10-K, PINAALALA NA NAMAN KAYA NA-BASH ULIT SI CAYETANO—Pinutakte na naman ng batikos si Sen. Alan Cayetano sa kanyang post sa social media tungkol sa kanyang P10-K Ayuda Bill para sa bawat pamilyang Pilipino dahil post siya nang post ng ganito, tapos kahit isang mamamayan ay wala pang nakakatanggap ng P10-K na ayuda mula sa kanya.
Hay naku, nakalimutan na nga ng mamamayan ang pramis niyang P10-K ayuda kapag nagwagi siya sa pagka-Senador, eh, heto at pinaalala pa niya. Kaya ang resulta, batikos na naman ang inabot niya sa social media. Boom!





Comments