Ceres Negros, iba na ang owner, United City Football Club na
- BULGAR

- Jul 25, 2020
- 2 min read
ni Anthony Servinio - @Sports | July 25, 2020

Ipinakilala na ng Ceres Negros FC ang kanilang bagong pangalan para sa 2020 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways. Mula ngayon ay tatawagin ng premyadong koponan na United City Football Club matapos magkasundo ang mga bagong mamumuhunan sa pangunguna ng MMC Sportz Asia at ng dating may-ari na si Leo Ray Yanson.
“We will now immediately apply for permission with the Philippine Football Federation to rename the club to United City FC and request the PFF to support our statement of intent to continue participating in the AFC Cup,” wika ni Eric Gottschalk, ang CEO ng MMC. “We would like to honor the legacy which Mr. Yanson created and will try to continue the development of Philippine Football especially in the professional league and national team.”
Sa ngayon, asahan na halos walang pagbabago sa koponan na umani ng maraming parangal hindi lang para sa Bacolod kundi pati para sa buong bayan. Tinatayang 16 sa nakalistang 21 na manlalaro ng Ceres ay babalik, maliban sa bagong retiradong si James Younghusband.
Plano rin ng mga bagong may-ari na pabalikin si Head Coach Risto Vidakovic, General Manager Patrick Ace Bright at kanilang mga staff. Ito ay upang matuloy ang mga tagumpay na tinamasa ng koponan sa nakaraang walang taon.
Bibigyan linaw ng MMC ang magiging listahan ng mga manlalaro, coach at staff sa mga susunod na araw. Maglulunsad din ng paligsahan sa pag-disenyo ng logo ng koponan at hinihimok na lumahok ang mga tagahanga.
Ang MMC ay isang kompanya na ang pangunahing negosyo ay sa larangan ng Sports Marketing at may mga opisina sa Dubai, United Arab Emirates at Maynila. Sila ang nasa likod ng taunang Sports Industry Asia Awards at hinawakan din ang marketing ng PFF.





Comments