Cellphone, bawal na sa mga iskul sa Cebu
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 30, 2026

Photo: File
Bawal na ang pagdadala ng cellphone sa lahat ng eskwelahan sa Dumanjug, Cebu.
Ito ay matapos ipag-utos ni Dumanjug Mayor Guntrano “Gungun” Gica ang total ban ng cellphone sa lahat ng paaralan simula kahapon, June 29.
Ang mga mahuhuling lalabag sa direktiba ng alkalde ay kukumpiskahin ang cellphone at ibabalik bago matapos ang school year sa susunod na taon.
Sa inilabas na abiso ng alkalde sa social media, sinabi nitong inabisuhan na nito ang pinuno ng mga eskwelahan, district supervisors at mga magulang patungkol sa kanyang polisiya.
Sinabi ni Gica na layunin ng kanyang direktiba na mapaganda ang academic performance ng mga estudyante at mahikayat na mag-focus ang mga ito sa pag-aaral at pakikisalamuha sa mga kaklase.
Ang mga ayaw aniya sa kanyang polisiya ay may option na lumipat ng pag-aaral sa ibang bayan.





Comments