Celine Dion, balik-entablado sa 2024 Paris Olympics
- BULGAR
- Jul 27, 2024
- 1 min read
by Eli San Miguel @International Entertainment | July 27, 2024

Nagbalik si Celine Dion sa live stage nitong Biyernes para sa opening ceremony ng Paris Olympics, kung saan siya'y umawit ng klasikong kanta ni Edith Piaf na "L'Hymne À l'Amour" upang tapusin ang seremonya.
Matatandaang hindi na nag-perform nang live ang Canadian singer mula pa noong Marso 2020 matapos ang huli niyang performance sa New Jersey, kaya naman itinuturing na isang pasabog ang kanyang pagtatanghal sa Paris Olympics.
Noong huling bahagi ng 2022, ibinunyag ng 56-anyos na singer na mayroon siyang isang rare neurological disorder na tinatawag na stiff-person syndrome na nagdudulot ng muscle spasms.
Dahil sa kanyang karamdaman, kinansela ng multiple Grammy winner ang lahat ng kanyang mga tour dates para sa 2023 at 2024.
Si Dion, na kilala sa theme song ng pelikulang "Titanic" na "My Heart Will Go On," ay unang nakita sa Paris noong Martes, na nagtulak ng mga espekulasyon na siya ay magiging bahagi ng kaganapan sa pinakahihintay na 2024 Paris Olympics.





Comments