top of page
Search
  • BULGAR

CBCP naglabas na ng panuntunan sa mga dadalo sa Simbang Gabi

ni Jasmin Joy Evangelista | December 3, 2021



Mayroong paalala ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa mga dadalo ng tradisyunal na Simbang Gabi habang nasa gitna pa rin ng pandemya.


Ayon sa CBCP, gaya ng mga ipinapatupad nila tuwing regular na misa ay tanging mga fully-vaccinated lang ang kanilang papapasukin sa loob ng simbahan at bawat entrance ay mayroong nakatalagang guwardiya na siyang magtsi-check ng mga vaccination card.


Dapat din na nakasuot ng facemask ang mga dadalo sa misa.


Ang kapasidad ng bawat simbahan ay 70% pero hinihikayat nila ang mga mananampalataya na kung maaari ay makinig na lamang ng mga online mass.


Sa December 16 magsisimula ang Simbang Gabi habang ang December 15 naman ng gabi ang anticipated mass para sa 9-day novena masses.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page