Cavite Gov. Remulla- “Jacket, face mask at helmet, sapat ng proteksiyon sa virus”
- BULGAR

- Jul 13, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 13, 2020

Pinuna ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang prototype design na inaprubahan ng gobyerno sa pag-angkas sa motorsiklo ng mag-asawa o magkasama sa iisang bahay.
Sa kaniyang Facebook Post, na naka-address mismo sa Inter-Agency Task Force, sinabi ni Remulla na delikado at nakakaabala sa motorsiklo ang dinisenyo ng Bohol provincial government.
Sabi ni Remulla, “thank you for the new backride policy for couples. Unfortunately, kung sino man ang gumawa ng backshield design instruction at kailanman hindi sumakay ng motor.” Dagdag pa nito, “It is dangerous, inconvenient and most importantly, it does not make sense.”
Ayon pa kay Remulla, ang pagsuot ng face mask, jacket helmet at pagpapakita ng katunayang sila ay mag-asawa ay sapat na para maprotektahan ang kalusugan ng rider at angkas nito.
Pinayagan ng mag-angkas sa motorsiklo noong July 10 ngunit, kinakailangan ay may barrier sa pagitan ng rider at pasahero upang maging safety net at makaiwas umano sa COVID-19.
Marami ng nagsasabi na hindi ito ligtas para sa mga motorsiklista. Ibinahagi rin ni Motoring expert Aris Ilagan na ang shield na ito ay maaaring maging epekto ng aerodynamics ng motor at delikado lalo na kung malakas ang hangin.





Comments