top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Cash loan application ng Pag-IBIG Fund, puwede na thru online

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2020
  • 2 min read

ni Thea Janica Teh | August 14, 2020




Para mas mapadali ang transaksiyon sa Pag-IBIG Fund, mas pinaganda nito ang kanilang online service portal para tumanggap ng application sa kanilang cash loan program.


Sa panahon ng quarantine period binago at isinaayos ang Virtual Pag-IBIG kung saan maaari ng magpasa ng aplikasyon ang mga miyembro ng kanilang Multi-Purpose Loan (MPL) o Calamity Loan sa online.


Dahil sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mapabilis at mapadali ang transaksiyon sa panahon ng quarantine, minabuti ng Pag-IBIG Fund na gawin ng online ang kanilang syste,. Ang Virtual Pag-IBIG ang isa sa pinakamalaking proyekto ng ahensiya sa ilalim ng administrasyong ito sa pagsasaayos at paggamit ng e-governance para sa publiko na makatutulong tulad sa panahong ito,” sabi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Head ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Inilunsad ang Virtual Pag-IBIG noong Disyembre 2019 upang mas medaling makakausap at makakapagtanong ang publiko sa kanilang live chat function na available 24/7. Sa paglunsad nito, nabuksan na ang Virtual Pag-IBIG ng halos 2.43 milyong miyembro kasama na ang mga OFW mula sa 222 bansa at nakakuha na ng Pag-IBIG Fund Membership ID (MID) number at nakapag-enrol sa MP2 Savings account. Bukod pa rito, makikita rin ng mga miyembro ang record ng kanilang savings at loan. Maaari na rin itong magamit para mabayaran ang kanilang loan at ma-remit ang kanilang monthly savings gamit ang PayMaya wallet o credit cards.


Kaya naman nitong Hunyo 1, nagsimula ng tumanggap ang ahensiya ng mga online application para sa MPL at Calamity Loan. Halos P188.6 milyon na ang kanilang iaprubahan.


Ayon kay Pag-IBIG Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti, ang online application nito ay mapoproseso lamang sa loob ng dalawang araw matapos itong makapagpasa online.


Ang paglunsad ng Virtual Pag-IBIG noong isang taon ay naging “timely” dahil hinahayaan nitong maserbisyuhan ang lahat ng miyembro kahit sa panahon ng pandemiya. Kaya naman sa new normal, inaasahan natin na marami pa tayong matatanggap na loan application na available sa Virtual Pag-IBIG para sa mas pinadali at mas pinabilis na transaksiyon kahit nasa loob lamang ng bahay,” dagdag ni Moti.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page