top of page
Search
  • BULGAR

Cash assistance para sa mga kuwalipikadong magsasaka

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 1, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang trabaho ko ay pagbubungkal o pagkikiling ng isa at kalahating ektaryang lupa ng sakahan ng aking amo sa lugar namin. Ngayon ay halos hirap kaming kumita mula sa pagsasaka at dahil dito ay lumapit ako sa isa sa mga ahensya ng gobyerno sa aming probinsya. Ako ay sinabihan na hindi ako kuwalipikado sa kahit anong pinansyal na tulong. Nais ko lang malaman kung ito ay tama. Maraming salamat. — Dong


 

Dear Dong,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 3 ng Republic Act (R.A.) No. 11598 o kilala sa tawag na “Cash Assistance for Filipino Farmers Act”, na nagsasaad na:


Section 3. Authorization. – The Department of Agriculture (DA) is hereby authorized to use the monies from the annual tariff revenues in excess of Ten billion pesos (P10B), as provided for in Section 13 of Republic Act No. 11203, on the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), to directly provide cash assistance to farmers who are tilling two (2) hectares and below of rice land until 2024. The Bureau of Customs (BOC) is hereby maintained to directly remit to the DA the said excess funds.


The BOC and the DA shall, at the end of each year, submit separate reports to Congress, through the Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform and the House Committee on Agriculture and Food, on the remittance of funds and the actual fund disbursement for the year.” 


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang mga magsasaka na nagbubungkal o nagkikiling ng dalawang ektarya o mas mababa pa rito na lupa ay direktang mabibigyan ng pinansyal na tulong magmula sa Department of Agriculture (DA) hanggang sa taong 2024. Sa nabanggit mo na sitwasyon, kung ikaw ay nagsasaka ng hindi lalampas sa dalawang ektaryang lupa, ang DA ay binigyan ng awtoridad na magbahagi ng pinansyal na tulong sa inyo hanggang taong 2024. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page