top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Caregiver, kinatay ng kaanak, gamit palakol

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3
1 min read

by Mai Ancheta @News | September 3, 2026



Caregiver, kinatay ng kaanak, gamit palakol

Photo: File


Patay ang isang lalaki matapos palakulin nang ilang beses ng kanyang kamag-anak na may problema umano sa pag-iisip sa Brgy. Buayan, General Santos City nitong Miyerkules ng madaling-araw.


Kinilala ng General Santos City Police ang biktima na si alyas Frank habang ang suspek ay si “Hanni,” 50, kamag-anak at umano'y inaalagaan ng biktima.


Batay sa imbestigasyon, natutulog umano ang biktima sa labas ng ginagawang bahay nang atakehin ng suspek gamit ang palakol.


Halos madurog ang ulo ng biktima dahil sa paulit-ulit umanong pagpalakol ng suspek.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan si “Frank,” subalit binawian ito ng buhay makalipas ang ilang oras.


Ang biktima umano ay ang caregiver ng suspek na mayroong psychological disorder.

Hawak na ng pulisya ang suspek at patuloy na iniimbestigahan kung ano ang motibo sa pagpatay nito sa kanyang kamag-anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page