Career ng bebot na Taong Dos, magsisimulang gumanda ngayong 2021

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 4, 2021
Dear Maestro,
Sa ngayon ay wala akong trabaho dahil nag-resign ako kasi puro panggabi ang duty ko. Gusto kong malaman kung kailan ulit ako magkakaroon ng regular at pemanenteng trabaho na hindi na panggabi ang duty kasi nahihirapan ako sa pag-uwi?
Gayundin, wala akong boyfriend ngayon, kaya nais ko ring malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend. Ano rin ang aking suwerteng kulay at panahon kung kailan ako magkakatrabaho nang regular at magkaka-boyfriend? Isinilang ako noong July 2, 1991.
Umaasa,
Joy ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Joy,
Ang birth date mong 2, sa zodiac sign na Cancer ay nagsasabing ikaw ay sadyang mapalad sa kulay na berde, dilaw at itim, higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28.
Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran, lalo na sa career at pag-ibig mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-29 ng Agosto, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-20 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Disyembre hanggang sa ika-20 ng Marso.
Samantala, ayon naman sa iyong Career Calendar, basta patuloy kang mag-apply at mas mainam din kung maghahanap ka ng kakilala o backer na magpapasok sa iyo sa trabaho, na nagtataglay ng strong number na 1, 10, 19, 28, 8, 17, 26, 9, 18 at 27, higit lalo silang may zodiac sign na Scorpio, Capricorn, Virgo, Taurus o kapwa mo Cancer, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2021. Kahit may pandemya pa tayong nilalabanan, sa edad mong 29 pataas, muli kang makatatagpo ka ng regular at magandang trabaho na angkop sa schedule na nababagay sa iyo, sa isang kumpayang kulay berde at dilaw ang logo.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, Lyn, sa taon namang 2022, sa edad mong 31 pataas, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang darating kung saan siya ang una at huling magiging boyfriend mo, kung saan ang nasabing relasyon ay hahantong sa pagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments