Canoy biglaan man ang hamon, sisilatin si Collazo
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | May 26, 2026

Photo: Hinandugan ng maliit na cake at hinipan ni Alex Eala ang maliit na kandila habang hawak ng kanyang beshies at close friends na sina Zeynep, Eva at Iva kahapon. (phsports avenuepix)
Limitado man ang panahon sa pagbabalik world title ni Joey “The Baby Face” Canoy para sa paghahanda sa nalalapit na pakikipagsagupa kay unified minimumweight champion Oscar ‘El Pupilo” Collazo ng Puerto Rico, umaasa ang kampo ng beteranong Pinoy boxer na tatalunin ang unbeaten titlist sa Hunyo 20 sa Frontwave Arena sa Oceanside, California.
Todo-ensayo sa preparasyon ang 32-anyos na tubong General Santos City sa MP Davao Gym sa Davao City ka-sparring si dating Philippine Youth light flyweight champion Kurt John Pabular, na hanap pahabain ang 8th-fight winning streak na isang beses lang sumabak noong isang taon laban sa 10th round TKO win kay Minh Phat Sam ng Vietnam na nasundan lang ng 6 round unanimous decision panalo noong Marso 14 laban kay Boholano Pablito Balidio sa Matanao, Davao del Sur. “We were informed two weeks ago, so we had almost 5 weeks' notice for this fight,” pahayag ni Sanman Promotions chief JC Manangquil sa panayam ng Bulgar Sports kahapon. “He has been training hard, and hopefully will shock the world.”
Inihayag ni Canoy sa Bulgar Sports na unang nakaplanong sumalang ito laban kay South African Siyakholwa Kuse, na kamakailan ay napasabak kay dating WBC strawweight titlist Melvin “El Gringo” Jerusalem noong Mayo 16 sa Emperors Palace sa South Africa, kung saan naagaw ang korona sa bisa ng 12-round unanimous decision, 116-112, 116-111, 115-112. “Biglaan din kasi sir. Unang focus namin si Kuse, mga July or September, kaso nag-offer ang Collazo kaya pinatulan namin. Sayang din kahit bitin sa training, pero kaya pa naman,” paglalahad ni Canoy. “Pero magandang opportunity kasi matagal ko na gustong labanan si Collazo.”
Hawak ni Canoy ang No.1 contender kay Kuse para sa WBC title, habang No.5 ito sa WBO at The Ring, at No.9 sa WBA na pare-parehong hawak ni Collazo. (Gerard Arce)





Comments