Search
  • BULGAR

Caloocan, Valenzuela at Quezon City, mawawalan ng tubig

ni Lolet Abania | October 17, 2020




Makararanas ang ilang lugar sa Caloocan City at Quezon City ng water service interruption dahil sa gagawing pagsasaayos sa La Mesa Pumping Station, Quezon City, ayon sa anunsiyo ng Maynilad Water Services, Inc. ngayong Sabado.


Sa ipinalabas na advisory ng Maynilad, ilang bahagi sa mga Barangays 168, 170 hanggang 174 at 176 hanggang 178 sa Caloocan City at sa mga Barangays 172, Kaligayahan at Pasong Putik sa Quezon City ay mawawalan ng serbisyo ng tubig simula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi ngayong October 17.


"The low pressure to no water supply you may be experiencing is due to facility maintenance activity in our La Mesa Pumping Station," ayon sa anunsiyo ng Maynilad.

Gayundin, nag-abiso na ang Maynilad sa mga lugar ng Bulacan, Caloocan City, Quezon City at malaking bahagi ng Valenzuela City na makararanas ng mahinang daloy ng tubig ngayong araw hanggang sa mawawala ang supply nito simula Linggo, October 18, dahil sa isasagawang maintenance.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.