Calida, ‘wag pakampante na sinusuwerte ngayon dahil may 2022 Presidential election!
- BULGAR

- Jul 31, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 31, 2020
CALIDA, NAKAKOPO NA NG MGA SECURITY CONTRACT SA GOBYERNO, ANG LAKI PA NG SUWELDO—Isa si Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa mga pinakamasuwerteng opisyal ng gobyerno.
Matapos mabulgar noong May 2018 na nakopo ng security firm na pag-aari ng pamilya ni Calida ang mga kontrata sa ilang ahensiya ng gobyerno, isiniwalat naman ng Commission on Audit (COA) na ikalawa na ang SolGen sa mga opisyal ng pamahalaan na may pinakamalaking suweldo at allowance kung saan pumalo ito sa higit P16.952-M last year, bongga!
◘◘◘
KAPAG OPOSISYON ANG NANALONG PRESIDENTE SA 2022, BAKA MALASIN SI CALIDA—Nang mabulgar na security firm ng pamilya ni Calida ang nakakopo ng mga kontrata sa ilang ahensiya ng gobyerno, isang Jocelyn Acosta ang nagsampa sa Ombudsman ng kasong graft sa SolGen na may kaugnayan sa paglabag sa “Code of Conduct for Public Officials” dahil ipinagbabawal sa batas na mangontrata sa pamahalaan ang mga gov’t. officials sa tinatawag na “conflict of interest”.
Kaya’t kung sinusuwerte ngayon si Calida, malamang ay mamalasin ito kapag oposisyon ang nanalo sa 2022 Presidential Election dahil may nakabimbin siyang kasong graft sa Ombudsman, boom!





Comments