Buwis-buhay para sa 3 pinsan... 14-anyos, tigok sa cobra
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | July 15, 2026

Photo: File / Representation - Naib Talis Mlah
Isinakripisyo ng isang 14-anyos na dalagita ang kanyang buhay upang iligtas ang kanyang tatlong pinsan mula sa isang king cobra sa Brgy. Batian, Maitum, Sarangani province.
Batay sa salaysay ng pamilya ng biktima, naliligo ang magpipinsan sa ilog nang makaengkwentro umano ng isang “banakon” o king cobra.
Sa halip na iligtas ang sarili, iniharang umano ng dalagita ang sarili at niyakap ang tatlong pinsan.
Dahil dito, ang biktima ang inatake ng cobra at kinagat ito sa likod na kanyang ikinamatay.
Nagawa pang maisugod sa ospital ang dalagita subalit hindi naisalba ng mga awtoridad dahil sa makamandag na lason.





Comments