top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Buwis-buhay na mga health workers, huwag namang pabayaan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2021
1 min read

@Editorial | February 11, 2021



Kung may maituturing man na mga bayani sa gitna ng COVID-19 pandemic, sila’y walang iba kundi ang ating mga medical frontliners.


Buwis-buhay sa pagharap sa COVID-19 at iba pang sakit, at handang isakripisyo ang lahat maitawid lang ang serbisyo para sa buhay ng kapwa. Hindi alintana kung mahawa o mapalayo sa pamilya.


Kaya nakakalungot na sa kabila ng kanilang mga pagod, puyat at lahat ng sakripisyo ay hindi man lang masuklian kahit doon lang sa mabigyan sila ng maayos na pangtustos sa kanilang mga pangangailangan sa sarili at mag-anak.


Una nang naiulat na nagrereklamo ang mga health workers mula sa tatlong government hospitals na hindi sila nababayaran sa mga allowance. Ano ba naman ‘yung halaga na karapatan naman nilang matanggap dahil sila’y nagtrabaho at sobra pa — paglilingkod na alam naman nating hinding-hindi matutumbasan ng pera.


Kaugnay nito, sinabi na ng Palasyo na kanilang aalamin ang nasabing ulat at makikipag-ugnayan sa finance unit ng Department of Health, kung naibigay na ang kompensasyon sa mga health workers.


Matatandaang nagalit na mismo si Pangulong Rodrigo Duterte nang malamang hindi nababayaran nang maayos ang mga health workers, bagay na nakakagalit naman talaga.


Sana’y hindi lang basta maibigay ang allowance ng mga health workers, dapat ilantad din kung ano o sino ang nagiging dahilan ng pagkaantala.


Inaalagaan at pinoprotektahan tayo ng mga health workers lalo sa panahon ng pandemic, ganundin sana tayo sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page