top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Buti pa ang PAGCOR, may kampanya vs. online illegal gambling, pero ang PNP, 'nganga'

Writer: BULGAR
BULGAR
May 8, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 8, 2023


MGA NASA LIKOD NG ONLINE ILLEGAL GAMBLING, TUTULUYANG KASUHAN AT IKULONG NG PAGCOR—Nagbabala ang PAGCOR na aalamin nila ang mga nasa likod ng operasyon ng mga illegal gambling sa social media, at kapag nakilala, agad nilang sasampahan ng kaso ang mga ito.


Kaya ‘yung mga nasa likod ng operasyon ng online illegal gambling, tantanan n’yo na ang panraraket n’yo sa mga netizens dahil kapag kayo ay natunton ng PAGCOR, sigurado na tutuluyan kayong kasuhan at ikulong, period!


◘◘◘


PAGCOR, MAY KAMPANYA VS. ONLINE ILLEGAL GAMBLING, PERO ANG PNP, ‘NGANGA’—Kung ang PAGCOR ay nagdeklara ng ‘war on online illegal gambling,’ ang newly appointed PNP chief na si Gen. Benjamin Acorda ay walang deklarasyon ng ‘war on illegal gambling.’


At dahil dedma si Gen. Acorda sa illegal gambling, parang mga kabuteng nagsulputan ang mga pasugalan sa iba’t ibang panig ng bansa, buset!


◘◘◘


NEWLY APPOINTED PNP-REGION 4-A DIRECTOR, GEN. GACES, ‘NGANGA’ SA SANGKATERBANG ILLEGAL GAMBLING SA CALABARZON—Dahil walang idineklarang ‘war on illegal gambling’ si Gen. Acorda, dinedma na lang din ni newly appointed PNP-Region 4-A Director, Gen. Carlito Gaces ang raket ng gambling lords sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon).


Patunay na ‘nganga’ lang si Gen. Gaces sa illegal gambling dahil ngayon ay patuloy na namamayagpag ang raket na perya ng bayan-con jueteng nina ‘John Yap,’ ‘Manalang’ at ‘Renen’ sa Cavite at Rizal; STL-con jueteng nina ‘Ibora,’ ‘Toce’ at ‘Alvarez’ at color games nina ‘Aling Tessie,’ ‘Baby Panganiban’ at ‘Troy’ sa Laguna; jueteng at lotteng nina ‘Reyes,’ ‘Biskotso,’ ‘Relos,’ ‘Peping,’ ‘Bukoy,’ ‘Indo’ at ‘Obet’ sa Batangas; STL-bookies nina ‘Kits’ at ‘Egay’ sa Rizal at mga color games at drop balls at sakla sa Quezon province, boom!


◘◘◘


‘BILLY JOE’ NA HEAD DAW NG ‘TONGPATS COLLECTION,’ DAPAT IPA-TOKHANG NINA GEN. ACORDA AT GEN. GACES—Isang alyas ‘Billy Joe’ ang nagpapakilalang head ng mga ‘tongpats collector’ sa Calabarzon, at siya raw ang binigyan ng bendisyon ng ‘taas’ para mangolekta ng payola sa mga gambling lords sa Southern Tagalog region.


Dapat ipa-‘tokhang’ nina PNP Chief Gen. Acorda at PNP-Region 4-A Director, Gen. Gaces itong si ‘Billy Joe’ dahil hindi maganda at nakakasira sa PNP organization ang ibinibida nitong siya ang head ng ‘tongpats collection’ sa Calabarzon, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page