Bundok ng basura gumuho, 1 patay, 2 nawawala
- BULGAR

- May 23
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | May 23, 2026

Malagim na trahedya ang sinapit ng ilang residente makaraang gumuho ang sanitary landfill sa Brgy. New Carmen, Tugbok District, Davao City na ikinasawi ng isa, pagkasugat ng dalawa katao habang nawawala rin ang dalawang matandang babae.
Ayon sa mga otoridad, malaking bahagi ng sanitary landfill ang gumuho dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan nitong mga nakalipas na araw at tumabon sa mga bahay ng mga scavenger malapit sa dumpsite.
Kinilala ang nasawing biktima na si Cristel, 32, nangangalakal sa lugar.
Kabilang sa mga nasugatan ay isang 16-anyos na binatilyo at isang nagngangalang Lilibeth na nilalapatan ng lunas sa ospital.
Patuloy namang pinaghahanap ang dalawang senior citizen na pinaniniwalaang natabunan ng gumuhong mga basura na kinilalang sina Luisa, 78, at Rosita, 67.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, naipon umano ang tubig-ulan sa ilalim ng landfill na naging sanhi ng pagguho ng mga basura.





Comments